December 29, 2005

Ang Panimula

Ito ang aking blog. Ang blog na ito ang magsisilbing bintana ng aking buhay na nais kong ibahagi sa mga taong interesadong malaman ang tunay na nangyayari sa aking paligid. Ito ay para sa lahat, maging kaibigan man o di kilala.

Nagsimula sa karangyaan at nauwi sa kahirapan ang kwento ng aking buhay. Ibinabahagi ko ang mga poot at kaligayahang aking nararanasan sa bawat yugto ng aking buhay.

Sa aking mga kapwa, sana’y samahan ninyo akong hanapin ang kabutihang unti-unti nang nawawala sa ating paligid.