Si Mama ang aking Nanay
Paano magmahal si Mama? Ang pangalan niya ay Maria Christina. Ang pangalan na napakaganda para sa akin. Pinanganak siya kung saan ako pinanganak, sa probinsya ng Pampanga. Lumaki ako sa kanyang piling at pagaaruga. Tinanggihan niya ang Yaya na binibigay ni Lola sa amin. Ang kanyang lambing at mga ngiti ay nakakapawi ng sakit. Madali siyang matakot kapag alam niyang ako’y nagkakasakit. Nagkaroon ako ng bulutong noon at talaga namang alalang alala siya. “Ma, bulutong lang po ito nawawala rin.” Ang sabi ko sa kanya. Tuwing matapos akong magkasakit dinadala niya ako sa isang ilog at doon kami naglalaro kasama ang mga kapwa ko bata. Napakalinis ng ilog na yun. Parang relong huminto sa pag-ikot ang pakiramdam kung babalikan ang mga panahong iyon na kasama ko ang aking ina.
Pinakilala ako ni Nanay sa kapitbahay naming kaibigan raw niya simula noong maliit pa sila. Ang anak nito ay si Hannah na aking minsa’y minahal. Malapit na akong magbinata noong panahon na nakita kong umiiyak si Mama sa ilalim ng puno. Nagaway na naman raw sila ni Lola. Kung ang pinakasalan daw niya ay ang mayaman na kababata niya, hindi raw
Naaalala kong nagising ako ng madaling araw dahil sinisigawan ni Lolo si Papa. Hindi pa rin nila matanggap na nakapagasawa ng mahirap ang aking Mama. Nangangatwiran si Papa pero hindi siya sadyang pinakikinggan ng mga kamaganak ni Mama. Mabait silang magbigay ng Material na bagay ngunit di sila marunong magbigay ng respeto at paggalang sa isang mabuting tao katulad ng aking Papa. Tiniis ng Papa ang mga batikos sa kanya. Biglang lumitaw si Mama sa gitna at pilit silang inaawat. Buntis si Mama sa mga panahon na yun sa aking kapatid na si Leonard. Si Leonard ay pinangalan sa Lolo ko dahil sa sila raw ang dahilan kung bakit nagawa pa nilang magsama ng aking mga magulang. Siyam na taon ang agwat ng aming edad.
Teenager na ako at malaki ang pangarap sa aking buhay. 16 years old ako at punong puno ng expectations sa hinaharap. Dito na nagtratrabaho si Mama sa isang opisina. Malapit na nga siyang maging boss at tumataas palagi ang sahod niya. Sa mga sumusunod na buwan naging Boss na siya. Nagiipon din siyang pangnegosyo namin pag dating ng tamang panahon.
Sa pinakamadilim na silid, sa bahay ng aking Lola ang pinakamadilim na yugto sa aking buhay. Naririnig kong nagbubulungan ang mga tao sa labas ng kwarto ngunit ayaw kong lumabas dahil gusto kong isurpresa ang aking kapatid pagpasok niya ngunit ang pumasok ay ang Papa na namumula ang mga mata. Umupo siya upang pumantay sa akin at hinawakan ako sa aking mga balikat at sinabing, “Anton, anak… May sakit si Mama mo, hindi raw ito kayang gamutin. Sama ka sa akin at ipagdasal natin siya.” Nakaupo ako sa Simbahan habang nagdarasal ng Rosaryo si Papa at ako’y nagmamaliw maliw, iniisip ang kalagayan ng Mama. Iniisip ko rin kung ano ang una kong sasabihin kapag kami’y magkikita. Cancer ang sakit ni Mama. Dahil sa sakit na yan, napilitan kaming ibenta ang bahay sa Probinsya at bumili ng maliit na bahay sa Maynila upang mapalapit sa
Pasko ng pagkabuhay, ng ang aking Mama ay pumanaw. “Alagaan mo ang kapatid mo at Papa mo, maging matatag ka. Hindi mo kailangan ng ibang tao Anton, ikaw ang may hawak sa tagumpay mo. Ang sarili mo lang ang makakatulong sa iyo. Tibayan mo ang loob mo! Manalig ka sa Diyos, hindi ka niya pababayaan” Ang mga huling binitawan niyang salita sa akin. “Pangako Ma, hindi ko bibitawan ang iyong salita. Gagawin ko ang bilin mo.” Ang sagot ko sa kanya. Namatay siya isang araw pagkatapos ko siyang makausap. Gumagaling na raw kasi siya sa panahon na yun. Hawak ko noon ang kanyang rosaryong gawa sa pilak na ipinamana sa akin. Bumalik kasi ako sa Probinsya ng isang araw lang upang balikan ang isang dalagang minsan nang nagpatibok ng aking puso. Namatay si Mama na wala ako sa Hospital, samantalang ako’y masayang kasama ang babaeng akala ko’y kaya akong mahalin ng pantay. Si Mama ang madalas na nagsasabing “Pag nadapa ka, bumangon ka sa sarili mong paa.” Parang alam na niyang iiwan niya kami sa murang edad.
Tinitibayan ko ang aking loob dahil dito. Hindi ko gustong pabayaan ang pangakong binitawan ko sa kanya. Kasama ko siya kahit saan ako magtungo, kahit anong hirap ang danasin, kahit sa oras pa ng kamatayan. Nanay raw dapat ang tawag ko sa kanya sabi ni Papa ngunit mas gusto ni Mama na ang tawag namin sa kanya ay “Mama”.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home