Ang Tatlong "M"
Nais kong ibahagi sa inyo ang buhay ng tatlong malalapit kong kaibigan. Si Mang Mario, Michael at Manuel. Sila lamang ang mga nakilala kong mga taong tunay na maipagmamalaki kong kaibigan.
May pagkakahalintulad ang nangyari sa buhay ni Mang Mario sa aking buhay. Siya ay isang Janitor na matagal nang naninilbihan sa pinanggalingan kong kumpanya. Malakas pa siya noong siya’y mabata-bata pa ngunit ngayon pawang nanghihina na rin ang kanyang mga tuhod at braso. Wala siyang kakainin kung hihinto siya sa pagtratrabaho. Isang mabuting ehemplo si Mang Mario sa lahat ng nakakasama niya, parang isang tatay sa lahat ng malapit sa kanya. Totoong naging tatay siya matagal ng panahon ang nakakalipas. Dati siyang may negosyo, isang mamihan at isang pwesto sa palengke. Malakas raw siyang kumita dati at napapagaral niya ang dalawa niyang anak. Nakikita ko sa kanya ang aking Papa sa iba’t ibang paraan sapagkat dalawa ang kanyang naging anak at napakabuting tao niya. Malas ang inabot niya nang siya’y magkasakit. Walang babaeng pwedeng magaruga sa kanya dahil iniwan siya ng kanyang asawa; may nakilala kasi itong iba na pwede siyang payamanin. Pinili ng dalawa niyang anak na sumama sa kanya. Dalawang binata ang tumutulong sa kanya sa negosyo. Makalipas ang ilang araw ng kanyang pagkakahiga ng matagal, ipinasara ang kanyang mamihan dahil ginamit na ang pwesto nila ng may ari ng pwesto at wala na raw silang balak iparenta pa ito sa kanila. Malakas kasing kumita ang mamihan nila at naiingit ang may ari ng pwesto. Nagtayo rin daw ng mamihan ang may ari ng pwesto ngunit walang kumakain sa kanya dahil hindi kasing sarap ng kanyang luto ang gawa nila. Nilapitan pa siya ng may ari para tanungin sa kanyang sekreto sa pagluluto ng Mami at Lugaw ngunit nabigo ito. Hindi na raw niya kayang buhayin pa ulit ang mamihang itinayo niya sa ibang lugar. Nang umayos na ang pakiramdam niya, nanakawan pa siya ng perang inutang lamang sa kanyang pwesto sa palengke. Nagtitinda sila ng gamit pansuot at iba’t ibang palamuti sa palengke. Isinara na rin niya ang pwestong hawak niya. Ang natitirang ipon niya ay napunta sa pagpapaaral ng kanyang mga anak.
Magaling makisama si Mang Mario. Siya ay tunay na tao at hindi marunong magsinungaling. Hindi siya marunong magdaya at manamantala ng kapwa sa kabila ng kanyang kahirapan. Bigyan
Si Michael ay isang malapit kong kaibigan. Nagtratrabaho siya sa isang fastfood restaurant at ngayon ay malapit na siyang sisantehin. Nagkikita kami paminsan minsan para magkamustahan sa mga nangyayari sa aming buhay. Wala raw siyang kasiguraduhan sa buhay niya, sa kanyang hinaharap. Minsan sa kalagitnaan ng gabi, napadalaw ako sa kanya at pinaupo niya ako sa isang mesa kung saan ang isang customer ay iniwang hindi kinain ang isang pirasong manok. Dadamputin na lang
“Bakit?” ang sabi ni Michael sa akin.
“Bakit? Nasisiraan ka na ba ng bait?” ang sagot ko kay Michael.
“Sayang naman ito, di ko naman nakitang hinawakan ng may-ari” ang sagot niya. “at wala namang nakakakita ikaw lang.”
“Respeto sa sarili, Michael. Respeto sa sarili.” Ang sinagot ko sa kanya at binitawan niya ito at inilagay sa basurahan.
Sinabi ko sa kanya yun hindi dahil sa hindi karesperespeto ang mga kumakain ng tira kundi upang bigyan siya ng pagkakataong suriin ang kanyang sarili at huwag tanggaping hanggang dun na lamang siya habang buhay. Gusto kong maging mataas ang tingin niya sa kanyang sarili dahil siya ay tunay kong kaibigan.
Inamin niya sa akin na madalas siyang maguwi sa bahay ng tirang mga pagkain. Minsan nagpapanggap siyang ibibigay niya ito sa aso nila. Paano na lamang raw sila mabubuhay kung walang natatabing ipon at di nila pagmamay-ari ang kanilang inuupahang bahay. Nangungupa lamang sila ng bahay na mas maliit pa sa aming bahay sa isang squatters area. Mabaho na at marumi pa ang kanyang lugar. Masama ang ugali ng mga tao sa kanilang lugar dahil lamang sa nagaagawan sila sa maraming bagay: katulad ng pwesto, sampayan, lapagan ng upuan, labahan, paliguan, tindahan at marami pang iba, pagkain, tubig, alak, ilaw at ang iba pati ang basura ay pinagaawayan. Maraming nagsasabi sa kanyang bakit raw siya umalis ng probinsya at nanirahan sa Maynila. Sinabi niya sa akin na wala na raw talaga siyang pag-asang mabuhay sa probinsya nila. Noong bata raw siya nagtitinda siya sa dagat ng kwintas at walang bumibili sa kanya dahil maraming iba pa ang nagtitinda at mas matangkad pa sa kanya. Ang mga nasa bus raw ay binabato pa sila ng tirang pagkain at tinatawanan pagkatapos. Nagkwekwento siya sa akin tungkol sa dagat na kanya raw pinananabikang makitang muli. Ako, hindi pa ako nakakita ng dagat sa buong buhay ko kaya hindi ako nananabik sa dagat. Sa telebisyon ko lang nakikita ang dagat. May nobya siya at tatlong taon na silang nagsasama. Katulad ko, naglalakad siya ng napakalayo bago makaabot sa kanyang pinagtratrabauhang fastfood restaurant. Kapag may pupuntahan kasi kami kahit na napakalayo nilalakad na lang namin. Kaya naituring ko itong tunay na kaibigan dahil kahit tambak ang kanyang problema, hindi niya pinapatulan ang pag-tutulak ng shabu o ang pagnanakaw.
Si Manuel ay ang kaibigan kong may kaya sa buhay. Nakilala ko siya noong kami’y katulad nilang nakakapag-aral pa at nakakapasyal sa iba’t ibang lugar. Nakita ko siya sa isang Mall at binati ko siya. Sa una binigyan niya ako ng masamang tingin. Nalungkot ako dahil parang iniiwasan niya ako sa kadahilanang kasama niya ang kanyang magandang nobya. Maya’t maya pa habang kinakain ko ang tinapay na binaon ko sa foodcourt, lumapit siya at binati ako. Nagulat naman ako sa kanyang tapik sa aking balikat. “Anton! Di kita nakilala kanina ah! Pasensya na, kamusta na pare?” Pinaliwanag ko sa kanya lahat kung bakit ko siya binati. “Ayos lang yun! Kamusta ka na ?” ang patuloy niyang pagbati. Pinaliwanag ko ang mga nangyari sa akin. Nagulat siya nang malaman niyang namatay na ang Mama. Paborito raw niya ang brownies ng Mama ko. Di ko naman nakakalimutan iyon dahil parating yun na lang ang sinasabi niya. Ingles niyang sinabing,
“Sorry to hear that.” at patuloy niyang tinanong “Saan ka ngayon? Where do you work?” sinagot ko siya.
“Computer shop”
“Ayos yan, business minded ka pa rin.” Ang sagot niya.
“Hindi, nagtratrabaho lang ako dun. Mababa lang ang sahod ko.”
Napaatras siya sa gulat. Napasabi siya ng “Oh” at napatingin sa marumi kong paa at lumang sandals na aking suot. Bigla niyang napagisip isip na malaki ang pinagbago ko simula noong huli niya akong nakita. Hindi yata siya makapaniwala sa sinapit ng buhay ko.
Matapos ang mahaba habang usapan, umalis na siya at nagpaalam sa akin. Tinanong niya ang cellphone ko ngunit ibinigay ko na lamang nag e-mail ko sa kanya. Binigay niya sa akin at ipinilit i-abot ang chocolates na M&M bago siya umalis. Tumanggi akong tanggapin ito ngunit mapilit talaga siya at nagpasalamat na lang ako. Ibinulsa ko ito para ibigay kay Leo pag uwi ko sa bahay dahil sabik siya sa chocolates.
Nakilala ko si Manuel noong kami’y Grade 5 pa lang. Natikman niya ang brownies ng Mama ko sa aking lunch box at madalas ko siyang ilibre sa canteen. Noong may humahamon ng away sa kanya ako ang pumagitan para ipagtanggol siya. Kaming dalawa ay parating napagkakamalang nangongopyahan sa Filipino subject dahil madalas ay pareho kami ng grado dahil sabay kami kung magreview sa kadahilanang wala siyang libro. Mataas parati ang nakukuha naming grado at kadalasan ay magkatugma. Kasama ko siya noon sa daan nang bigla siyang sunduin para kunin at ipinaalam niya sa akin ang dahilan kung bakit. Muntik nang magahasa at matangay ang kanyang ate habang pumapasok sa eskwela. Maaaring kalaban daw sa negosyo ng kanyang tatay ang mga salarin. Sa eskwela ko nalaman ang tunay niyang pagkatao. Madilim ang Science Lab namin nung may kinuha akong libro na pinapakuha sa akin ng isa naming guro. Napagbintangan ako ng apat naming kaklase na nagbasag ng tatlong Beaker at limang Test Tube dahil ako raw ang huli nilang nakita. Si Manuel ay tumayo at itinuro ng takot na takot ang apat na kasabwat. Pagkatapos nun, nakita ko siyang may pasa sa ilalim ng kanyang binti dahil raw sinumbong niya yung apat na nagsabing gugulpihin nila siya kapag nagsumbong siya. Si Manuel ang pinagalitan ng aming guro at hindi ang apat naming kaklase dahil mga makapangyarihan ang mga magulang nila. Madalas ko siyang makalaro ng Chess at Basketball. Huli ko siyang nakita pagkatapos nito ay noong bago sila lumipat sa
Sila ang tatlo kong kaibigang nakilala sa aking buhay. Malaki man ang mundo para kilalanin lahat ng taong katulad nila, ngunit sa tatlong taong ito nakikita ko ang pagkakapareho ng mga taong may mabuting puso’t isipan.
2 Comments:
hello anton :) salamat ulit sa pagbisita mo sa blog ko :p
magaling at naisipan mong sumulat gamit ang Filipino..hindi ako sanay na magbasa o sumulat ng mga blog na Tagalog..pero mabuti na rin yun, para kakaiba ka naman :)
pagyamanin mo pa ang pagbblog mo :)
hello anton :) salamat ulit sa pagbisita mo sa blog ko :p
magaling at naisipan mong sumulat gamit ang Filipino..hindi ako sanay na magbasa o sumulat ng mga blog na Tagalog..pero mabuti na rin yun, para kakaiba ka naman :)
pagyamanin mo pa ang pagbblog mo :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home